^

Bansa

7 lalawigan, election hotspot

-

MANILA, Philippines – Irerekomenda ng Philippine National Police sa Commission on Elections na ideklarang hot spot sa eleksyon sa Mayo 2010 ang pitong lalawigan sa bansa.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa kaugnay ng maagang paghahanda ng pulisya upang maiwasan ang pag­danak ng dugo sa darating na halalan.

Kabilang sa mga lala­wi­gang ito ang Masbate, Nueva Ecija, Abra, Sulu, Maguindanao, Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Sinabi ni Verzosa na kanilang tinitingnan ang matinding labanan sa pulitika ng mga kandidato, presensiya ng mga arma­dong grupo at ang mga karahasan na naitala sa mga nakaraang halalan.

Gayunman, maaaring dagdagan ng PNP ang listahan ng mga election hot spot. Baka isama ang Bulacan at Bataan dahil sa mga armed goons ng ilang pulitiko rito. (Joy Cantos)


ABRA

BULACAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

GAYUNMAN

IREREKOMENDA

JOY CANTOS

LANAO

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with