House employees bawal sa SONA

MANILA, Philippines – Pinayuhan kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga emple­ yado ng House of Representatives na huwag duma­lo sa gaganaping state of the nation address (SONA) ni Pangulong Arroyo sa Hulyo 27 partikular sa mga sinasabing may flu-like symptoms at ang iba pa na posibleng makaranas nito.

Bagamat importante umano ang SONA, dapat ikunsidera ang posibilidad na makahawa sila ng iba, lalo’t ilan na ang napaulat na nagpositibo sa AH1N1 kabilang ang 49-anyos na unang death case ng nasa­bing virus sa bansa.

Ani Duque, mas mabu­ting huwag pumasok sa trabaho at magpahinga na lamang sa kanilang bahay at iwasang makihalubilo sa maraming tao.

Ani pa ng kalihim, ma­rami ang dadalo sa SONA kaya posibleng maikalat ang virus sakaling may magtungo doon na may taglay nito. (Ludy Bermudo)


Show comments