^

Bansa

Iba pang whistleblower nadamay kay Lozada

-

MANILA, Philippines – Nadamay ang ibang whistle-blower na pinaba­bantayan ng Senado sa napabalitang paglalaro ng golf ni NBN-ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada Jr. kamakailan dahil sila ang natanggalan ng security escort.

Ayon kay Dante Ma­dria­ga, isa ring testigo sa national broadband scandal, inalis na ng Office of the Ser­ geant at Arms ng Senado ang nakatalaga sa kanyang dalawang security escort base sa kautu­san ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Pero ayon sa isang source, kahit tinanggal ang security escort ng ibang whistle-blower ni Madria­ga, nanatili pa ring may se­curity escort si Lozada na bina­wasan lamang at gi­nawang apat.

Walo dati ang escort ni Lozada bago napa­balita ang paglalaro niya ng golf kung saan ginamit pa niyang caddie ang isa sa kanyang mga security man na itinalaga ng Mataas ng Kapulungan.

Hindi naman maitago ni Madriaga ang pagkadis­maya dahil sa pagkakaalis ng dalawang security sa kanya nang walang abiso.

Maging ang isang service vehicle umano na itinalaga para sa kanya ay tinanggal na rin.

Bukod kay Madriaga, tinanggalan din ng security escort ang iba pang whistle­blowers na sina ex-T/Sgt. Vidal Doble, testigo sa wiretapping ng Hello Garci scandal at Jose Bar­redo, testigo sa fertilizer scandal. (Malou Escudero)


vuukle comment

DANTE MA

HELLO GARCI

JOSE BAR

LOZADA

LOZADA JR.

MADRIAGA

MALOU ESCUDERO

OFFICE OF THE SER

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with