Ping, Chiz unahing imbestigahan

MANILA, Philippines – “Kung mayroong da­pat imbestigahan, kayo ang dapat unahin.”

Ito ang parunggit ka­ha­pon ng Confederation of Government Employees Organizations kina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Francis Escudero bilang reaksyon sa pag­gigiit ng mga ito na im­bestigahan ang mga opis­yal na biyahe ni Pangu­long Arroyo sa iba’t ibang bansa.

Pinuna ni COGEO Chairman Jesus Santos na ilang taon nang se­nador sina Lacson at Escudero pero wala pa umanong na­gagawa ang mga ito tulad ng batas o proyekto na magpapa­buti sa kalidad ng mahi­hirap na mamamayan o maka­kapagbigay ng tra­baho sa mga walang tra­ baho.

“Kung mayrron man ay gaano kalaki o kalawak? Saan ba napupunta ang pondo ng opisina ng mga ito bilang mga senador? Buwis, o pera din nating mga ma­mamayan, ang sinusuweldo at ginagastos nila,” ayon kay Santos.

Idinagdag pa ni Santos na bumibiyahe man si Pa­ngulong Arroyo ay lagi itong may uwing kasun­duan ng mga mamumuhu­nan sa bansa, na maka­pag­bibigay ng trabaho. (Butch Quejada)


Show comments