Ping, Chiz unahing imbestigahan
MANILA, Philippines – “Kung mayroong dapat imbestigahan, kayo ang dapat unahin.”
Ito ang parunggit kahapon ng Confederation of Government Employees Organizations kina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Francis Escudero bilang reaksyon sa paggigiit ng mga ito na imbestigahan ang mga opisyal na biyahe ni Pangulong Arroyo sa iba’t ibang bansa.
Pinuna ni COGEO Chairman Jesus Santos na ilang taon nang senador sina Lacson at Escudero pero wala pa umanong nagagawa ang mga ito tulad ng batas o proyekto na magpapabuti sa kalidad ng mahihirap na mamamayan o makakapagbigay ng trabaho sa mga walang tra baho.
“Kung mayrron man ay gaano kalaki o kalawak? Saan ba napupunta ang pondo ng opisina ng mga ito bilang mga senador? Buwis, o pera din nating mga mamamayan, ang sinusuweldo at ginagastos nila,” ayon kay Santos.
Idinagdag pa ni Santos na bumibiyahe man si Pangulong Arroyo ay lagi itong may uwing kasunduan ng mga mamumuhunan sa bansa, na makapagbibigay ng trabaho. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending