Venue ng SONA sa Kamara pa rin kahit may 4 na positibo sa AH1N1

MANILA, Philippines - Hindi umano kaila­ngang ilipat ang venue sa pagdarausan ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo kahit pa may apat na nagpositibo sa AH1N1 sa House of Representatives.

Opinyon ito ni Health Secretary Francisco Du­que dahil isolated case lamang umano ang na­sabing mga kaso at wala namang indi­kasyon na mayroon ng pag­kalat ng nasabing virus sa buong Batasan community.

Aniya, ang ika-4 na sinasabing apektado ng virus ay may posisyong director, ayon sa natanggap niyang ulat.

Kasabay nito, sinabi ni Duque na handa siyang humarap kung ipatatawag ng Kamara hinggil sa hindi pagbubunyag o pag-alerto sa mga opisyal doon na may mga kaso ng AH1N1 sa loob ng House. (Ludy Bermudo)

Show comments