^

Bansa

Karapatan ng Manilenyo iginiit sa manifesto

-

MANILA, Philippines - Hiniling ng grupong Nagkakaisang Manilenyo Tungo sa Pagbabago kay Presidential Peace Adviser Avelino Razon na pangunahan ang kanilang adhikaing maitaguyod at magarantiyahan ang sa­ ligang karapatan ng mga residente ng Maynila.

Nilagdaan ng kanilang mga miyembro sa isang pagtitipon sa Parola 1, Tondo ang isang manifesto ukol sa kanilang layunin kasabay ng pagdi­riwang kahapon sa ika-438 taon ng pagkakatatag ng Maynila.

Kasama ni Razon na tumanggap ng manifesto si dating Congressman Banzai Nieva.

Si Razon na isa ring dating hepe ng Western Police District ay lumaki rin sa Maynila.

“Sama-sama nating ipaglalaban ang mga ka­rapatang ito, at sama-sama tayong maglalakbay upang maisakatuparan ang ating mithiing tunay at makahu­lugang pagba­bago ng ma­hal nating lung­sod,” sabi ni Razon pagkatanggap sa manifesto.

Sinabi ng secretary ge­neral ng grupo na si Fer­nan­do Rodolfo na nagsawa na sila sa mga pangakong napapako ng mga tradis­yunal na puli­tiko kaya ipi­nasya nilang lumapit kay Razon.

Kabilang sa mga kara­patang isinaad sa manifesto ang hinggil sa pa­ma­mahay, kalusugan, edu­kasyon, disenteng pamu­muhay at kabuhayan. (Doris Franche)

CONGRESSMAN BANZAI NIEVA

DORIS FRANCHE

HINILING

MAYNILA

NAGKAKAISANG MANILENYO TUNGO

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER AVELINO RAZON

RAZON

SHY

SI RAZON

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with