^

Bansa

PGMA magsi-self quarantine

-

MANILA, Philippines - Magpapatupad ng “social distancing” at self-quarantine si Pangulong Arroyo sa pagdating nito sa bansa mula sa Brazil sa June 27 (Sabado).

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa kanyang media briefing, boluntaryong sasailalim sa “self quarantine” si Pangu­long Arroyo hanggang sa June 30.

Ayon kay Sec. Ermita, mananatili lamang si Pa­ngulong Arroyo sa Mala­cañang at wala muna itong mga engagements sa la­bas ng Palasyo.

Boluntaryo itong gaga­win ni Mrs. Arroyo upang masiguro ang kalusugan nito bagama’t naunang sinabi ni Health Secretary Francsico Duque III na hindi na kailangang suma­ilalim sa quarantine ang chief executive.

Idinagdag pa ni Ermita, sasailalim din sa thermal scanning si Pangulong Arroyo at delegasyon nito sa pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pag-uwi nito. 

Kabilang sa delegas­yon ng Pangulo sina Trade Sec. Peter Favila, Foreign Affairs Sec. Alberto Ro­mulo, Press Secretary Cerge Remonde, Sen. Miriam Defensor-Santiago at 10 kongresista.

Samantala, nakahanda rin ang Malacañang na ipagpaliban ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo na naka­takda sa July 27.

Sinabi ni Ermita na bukas ang Palasyo sa pagpapaliban ng SONA kung hinihingi ito ng pag­kakataon kaugnay na rin sa AH1N1 virus kung saan ay mismong empleyada ng Kamara ang nasawi. (Rudy Andal)

ALBERTO RO

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FOREIGN AFFAIRS SEC

HEALTH SECRETARY FRANCSICO DUQUE

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

MRS. ARROYO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with