^

Bansa

Feria nanatili ang lakas

-

MANILA, Philippines - Nasa ilalim pa rin ng signal no.2 ang 11 lalawigan sa bansa kasama na ang Metro Manila dahil sa bagyong Feria. Nananatili ang lakas ni Feria habang patungo sa direksiyon ng Batangas at Mindoro provinces.

Ayon sa Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ni Feria ang pinakamalakas na hanging 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras.

Ngayong Huwebes, si Feria ay inaasahang nasa la­ yong 70 kilometro kanluran ng Iba, Zambales at nasa 140 kilometro ng hilagang kanluran ng Laoag City sa Biyernes, Hunyo 26 samantalang sa araw ng Sabado ay inaasahang nasa layong 210 kilometro ng hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Signal no. 2 sa Marinduque, Romblon, Southern Que­zon, Mindoro Provinces, Lubang Island, Batangas, Laguna, Cavite, Bataan Rizal at Metro Manila.

Signal no. 1 sa Calamian group kasama ang Cuyo island, Masbate, Ticao island, Burias island, Sorsogon, Albay, Camarines provinces, nalalabing bahagi ng Que­zon kasama na ang Polilio island, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Zambales at Pangasinan.

Kahapon ng alas-10 ng umaga, ang mata ni Feria ay namataan sa layong 60 kilometro timog silangan ng Calapan City o may 80 kilometro hilagang kanluran ng Romblon.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mababang lugar, malapit sa bundok, coastal areas na maging alerto sa posibleng flashfloods, landslides, at pagkidlat. (Angie dela Cruz/Ricky Tulipat)

BATAAN RIZAL

BATANGAS

CALAPAN CITY

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

KILOMETRO

LAOAG CITY

LUBANG ISLAND

METRO MANILA

MINDORO PROVINCES

NGAYONG HUWEBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with