MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Education ang lahat na opisyal ng mga paaralan na makipagtulungan at makipag-ugnayan sa Parents-Teachers Associations, lokal na pamahalaan at municipal health offices para malabanan ang tumataas na kaso ng dengue H-fever.
Sinabi ni DepEd Secretary Jesli Lapus na dapat mapanatili sa mga paaralan ang kalinisan ng kapaligiran at tiyaking walang naiipon na tubig para pamugaran ng lamok na may dalang dengue. Kinakailangan din tiya kin ang kalusugan ng mga estudyante, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
“Kailangan nating panatilihing malinis ang mga eskuwelahan para maiwasan ang pagkalat ng Dengue na mas mapanganib kaysa sa Influenza AH1N1,” sabi pa ng kalihim.
Ang panawagan ng DepEd ay alinsunod na rin sa programa nito na 4S na ibig sabihin ay search and destroy, self-protection measures, seek early consultation, at say “NO” to indiscriminate fogging. (Danilo Garcia)