^

Bansa

DepEd kumilos vs dengue

-

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Education ang lahat na opisyal ng mga pa­aralan na makipagtulu­ngan at makipag-ugna­yan sa Parents-Teachers Associations, lokal na pa­mahalaan at municipal health offices para mala­banan ang tuma­taas na kaso ng dengue H-fever.

Sinabi ni DepEd Secretary Jesli Lapus na da­pat mapanatili sa mga paaralan ang kalinisan ng kapaligiran at tiyaking walang naiipon na tubig para pamugaran ng la­mok na may dalang den­gue. Kinakailangan din tiya­ kin ang kalusugan ng mga estudyante, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

“Kailangan nating pa­natilihing malinis ang mga eskuwelahan para ma­iwasan ang pagkalat ng Dengue na mas mapa­nganib kaysa sa Influenza AH1N1,” sabi pa ng kali­him.

Ang panawagan ng DepEd ay alinsunod na rin sa programa nito na 4S na ibig sabihin ay search and destroy, self-protection measures, seek early consultation, at say “NO” to indiscriminate fogging. (Danilo Garcia)


vuukle comment

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

KAILANGAN

KINAKAILANGAN

PARENTS-TEACHERS ASSOCIATIONS

PINAYUHAN

SECRETARY JESLI LAPUS

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with