AFP men binawalang mangampanya

MANILA, Philippines - Binabawalan ng Armed Forces of the Philippines ang mga aktibo nitong opisyal at miyembro na ikampanya ang mga re­beldeng sundalong na­sangkot sa mga tangkang kudeta laban sa pama­halaan. 

Ito ang inihayag kaha­pon ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. kasu­nod ng pahayag ni dating First Scout Ranger Regiment Chief Brig. Gen. Danilo Lim na kakandidato itong senador sa halalan sa susunod na taon.

Kabilang si Lim sa mga rebeldeng sundalong ki­nasuhan at kinulong ma­karaang ma­sangkot sa tangkang ku­deta noong taong 2006.

Sinabi ni Brawner na parurusahan ang sinu­mang sundalo na manga­ngam­ panya para sa sinu­mang kandidato. (Joy Cantos)

Show comments