^

Bansa

Awayan sa PMA Class 76, 78

-

MANILA, Philippines - Walang namamagitang hidwaan sa mga senior officers ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1976 at Class 1978 kaug­nay ng paghawak ng mata­taas na posisyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibrado bilang reaksyon sa mga kumakalat na mga balita na may namumuo na umanong hidwaan sa pa­gitan ng PMA Class 76 at ng PMA Class 78.

“Walang awayan sa amin, propesyonal kami,” ani Ibrado.

Si Ibrado ay miyembro ng PMA Class 76. Kabilang pa sa mga tanyag na mis­tah nito ay sina AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Ro­drigo Maclang, AFP-Central Command Chief Lt. Gen. Isagani Cachuela, Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ferdi­ nand Golez, Marine Commandant Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino, PNP Chief Director General Jesus Verzosa atbp.

Samantalang puma­pa­im­bulog na ang career ng PMA Class 78 na sina­sabing susunod na pioneering class sa pangu­nguna ni Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit, Air Force Chief Lt. Gen. Oscar Rabena, NCRPO Director Chief Supt. Roberto Rosa­les, Manila Police District Director Chief Supt. Rodol­fo Magtibay atbp.

Nauna nang inintriga ng ilang mambabatas ng opo­sisyon na mawawala na umano sa ‘limelight‘ ang Class 76 kung saan binan­sagan pang ‘lameduck’ na umano si Ibrado at susunod namang hahawak ng ma­ga­gandang posisyon sa AFP ay ang Class 78 na sinasabing paborito ni Pangulong Arroyo.

Si Pangulong Arroyo ay ‘adopted‘ ng Class 78 kung saan nauna nang napa­balita na pagreretiruhin nito ng maaga si Ibrado upang iupo si Bangit at si Verzosa na ipapalit naman umano si Rosales na sinasabing malakas sa Palasyo na plano umanong ipatupad bago ang 2010 national elections. (Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE CHIEF LT

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CHIEF LT

BEN MOHAMMAD DOLORFINO

CENTRAL COMMAND CHIEF LT

CHIEF

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF OF STAFF GEN

IBRADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with