Spy plane pinabagsak ng MILF

MANILA, Philippines - Ipinangalandakan ka­hapon ng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) re­bels na pinabagsak nila ang isang spy plane ng militar sa kasagsagan ng bak­ bakan sa Guindulu­ngan, Maguindanao ka­makailan.

Sa pahayag na ipina­labas sa kanilang website na luwaran.com, kinum­pirma ng MILF na nasa kanilang kustodiya ang nasabing spyplane na gawa sa isang maliit na helicopter na kinabitan ng mga sensor at maliit na camera.

Ayon sa MILF, nais­pa­tan nila ang naturang mini helicopter na lumili­pad sa kasagsagan ng bak­bakan sa pagitan ng mga MILF at ng tropa ng sun­dalo sa bayan ng Guin­dulungan kaya ka­nila itong pinuntirya ng pama­maril hanggang sa tulu­yang mapabagsak.

Isa umanong kilalang opisyal ng militar ang nagtatangka pang tumu­bos sa nasabing spy chop­per sa halagang P400,000 pero kanila itong tinang­ gihan.

Bilang reaksyon ma­riin namang pinabula­anan ni Army’s 6th Infantry Division (ID) spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce  na pag-aari ng AFP ang sina­ sabing spy plane na napa­bagsak ng MILF sa nasa­bing lugar.

Ayon kay Ponce, wala silang anumang uri ng spy plane o unmanned aerial vehicles na gina­gamit upang tugisin ang puwer­sa ng MILF.

Idinagdag pa ng opis­yal, hindi na nila kaila­ngan pa ang mga spy plane upang hanapin ang mga kinaro­ roonan ng mga lawless MILF group dahil mismong ang mga resi­dente na sawa na sa pa­ng­gugulo ng mga ito ang siyang nagbibigay ng im­pormasyon kung saan ang mga ito nagsisipag­tago. (Joy Cantos)

Show comments