^

Bansa

PGMA, 16 kongresista 'di iku-quarantine

-

MANILA, Philippines - Makaraang mangako ang pamahalaan ng Brazil at Japan na ligtas ang bansa sa sakit na AH1N1, hindi na rin iku-quarantine si Pangulong Gloria Arroyo at mga kasama nito pag­ dating sa bansa.

Ayon kay Health DOH Secretary Francisco Du­que III, pinanghaha­wa­kan nila ang salita ng da­lawang bansa na magi­ging ligtas ang kalusugan ng Pangulo sa lahat ng pagkakataon.

Gayunman, ayon kay Duque, idadaan ang gru­po ng Pangulo sa normal na proseso sa airport sa san­daling makabalik na sila sa bansa, gaya ng thermal scan­ning at health checklist.

Ang Pangulo kasama ang 16 na kongresista at ka­nilang mga asawa ay umalis patungo sa Japan at Brazil noong June 17 para sa isang official visit. Una nilang tinungo ang Japan mula June 17 hanggang 20, at ang Brazil naman mula June 22 hanggang 25.

Ang Brazil at Japan ay kabilang sa mga bansang mayroon nang kumpirma­dong kaso ng influenza AH1N1 virus.

Samantala, kung ang Pa­ngulo ay exempted sa quarantine, mahigpit na­man ang kautusan ng Pa­mahalaan na sumaila­lim sa 10 day self-quarantine ang mga OFWs na dumarating sa bansa.

Sa inilabas na advisory ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), dapat munang ma­natili ng 10 araw sa ka­nilang mga bahay ang mga nagba­kasyong OFWs bago mag-report sa kani­lang mga agency.

Kung nakararanas din ng flu-like symptoms ang isang OFW kinakaila­ngan itong ipaalam sa kaniyang agency para maipagpali­ban muna ang deployment. (Doris Franche)

ANG BRAZIL

ANG PANGULO

AYON

DORIS FRANCHE

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SECRETARY FRANCISCO DU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with