^

Bansa

1,000 nurse kailangan sa Saudi

-

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang lahat ng mga lisen­syadong nurse na nais magtrabaho sa ibang bansa na magsumite ng kanilang aplikasyon para sa Kingdom of Saudi Arabia na nangangaila­ngan ng 1,000 tauhan sa kanilang mga pagamu­tan.

Sa pahayag na ini­la­bas ni POEA Administrator Jennifer Jardin-Ma­nalili na kailangan lamang personal na magsumite ng kanilang mga doku­mento kabilang ang resume, record sa pa­ara­lan, employment certificate, kopya ng pasaporte at 2x2 photo.

Kailangang isumite ito sa Manpower Registry Division, Window M sa unang palapag ng kani­lang gusali sa kanto ng Ortiga Avenue at Edsa sa Mandaluyong City.

Kailangan rin uma­nong lisensyado ang mga nagnanais makatungo ng Saudi, may isang taong karanasan at hindi hihigit sa 45-anyos ang edad.

Kabilang sa mga be­nepisyong matatanggap ng mapipiling mga ap­likante ang taunang ba­kasyon na may bayad, round trip ticket, pabahay, transportation allowance at taunang renewal ng kontrata.

Bukod dito, nanganga­ilangan rin naman ang KSA Ministry of Finance ng mga communication engineers, electrical engineers at mga arkitekto, hindi hihigit sa 50-anyos, may balidong lisensya at may 8-10 taong karanasan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ADMINISTRATOR JENNIFER JARDIN-MA

DANILO GARCIA

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

MANDALUYONG CITY

MANPOWER REGISTRY DIVISION

MINISTRY OF FINANCE

ORTIGA AVENUE

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

SHY

WINDOW M

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with