Pinoy inaresto sa Dubai sa tangkang panununog

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang inares­to sa Dubai matapos na umano’y tangkaing sunugin ang kanyang opisina sa pagtatangkang buksan ang safety vault ng kompanya at naka­win ang pera na nakatago doon.

Sa ulat ng isang online news site na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), inamin naman umano sa Dubai police ng suspek na si Dennis Harands ang krimen.

Sinasabing nasunog na ang mga office furniture at mga computer bago tulu­yang naapula ng mga pa­ma­tay sunog ang apoy.

Sinabi umano ni Ha­rands na noong Hunyo 6 ng gabi ay bumili siya ng gasoline at inilagay ito sa dala­wang bote ng juice na siya niyang dinala sa kanilang tanggapan sa Al Garhoud.

Tinangka umano niyang buksan ang safe ngunit nabigo siya kaya’t sinunog na lamang niya ang tang­gapan bago tumakas.

Biniberipika pa naman umano ng DFA ang natu­rang ulat. (Mer Layson)

Show comments