^

Bansa

Pinay sa Kuwait hinatulang mabitay

-

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals ng Kuwait ang parusang bitay sa isang Pinay domestic hel­per na inakusahang pu­matay sa 22-anyos na anak na dalaga ng kan­yang amo noong Enero 2007.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs kaug­nay ng kaso ng Pinay na si Jakatia Pawa.

Kaugnay nito, inata­san ni Department of Foreign Affairs Secretary Alberto Ro­mulo ang ambassador ng Pi­li­pinas sa Kuwait na si Ricardo Endaya na tulu­ngan si Pawa sa pagha­hain ng apela sa Kuwait Court of Cassation (Supreme Court) para mailig­tas ang buhay nito.

Mariing itinatanggi ni Pawa na pinatay niya ang biktima dahil malapit uma­­no ito sa kaniya sa loob ng limang taon niyang pagta­trabaho sa pamilya nito. Wala rin aniya siyang mo­tibo upang gawin ang naturang krimen.

Naniniwala siya na isa sa mga kaanak ng biktima ang posibleng may kaga­gawan sa pagpatay.

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pag­hingi ng tawad ni Pawa sa pa­milya ng biktima upang ma­kakuha ng tanazul o letter of forgiveness.

Una nang sinabi ni Endaya na umaasa si­ lang magiging patas ang judicial system ng Kuwait sa kaso ni Pawa kaya baba­ligtarin umano ng Kuwait Court of Cassation ang hatol ng Court of Appeals.

Matibay kasi umano ang ebidensiya na walang kasalanan ang Pilipina dahil walang nakitang fingerprint nito sa kutsilyo na ginamit sa pagpatay. (Mer Layson)


COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERTO RO

JAKATIA PAWA

KUWAIT COURT OF CASSATION

MER LAYSON

PAWA

PINAY

RICARDO ENDAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with