^

Bansa

Mancao babasahan ng demanda

-

MANILA, Philippines – Takdang basahan ng demanda ngayong Miyer­kules sa Manila Regional Trial Court Branch 18 si dating Police Senior Superintendent Cesar Man­cao na kabilang sa isinang­kot sa kasong pagpaslang sa publicist na si Salvador Dacer at sa driver nitong si Emma­ nuel Corbito.

Tiniyak ng National Bureau of Investigation na iha­harap nila sa korte si Man­cao na inaasahang ma­giging testigo rin ng pama­halaan laban sa ilang per­so­nalidad na sangkot sa kaso.

Sinabi rin ni NBI Regional Director Ric Diaz na susunduin ng kanilang mga ahente sa Ninoy Aquino International Airport at sasa­ mahan sa pagdalaw kay Mancao ang asawa nitong si Maricar at apat na anak na takdang dumating nga­yon sa bansa mula sa United States.

Kasabay nito, sinabi ni Department of Justice Secretary Agnes Devanadera na haharangin nila ang isang mosyon na humihi­ling na ilipat sa Manila City Jail si Mancao.

Gumawa ng naturang kahilingan ang ilang aku­sado sa Dacer-Corbito murder na walong taon nang nakakulong sa MCJ.

Pero sinabi ni Devana­dera na mayroong seryo­song banta sa buhay ni Mancao kaya kailangang manatili ito sa panganga­laga ng NBI.

Nilinaw din ng kalihim, na bagaman may ilang luho si Mancao sa NBI, nakaku­long pa rin ito at mayroong mga limitasyon. (Gemma Garcia at Ludy Bermudo)


DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

GEMMA GARCIA

LUDY BERMUDO

MANCAO

MANILA CITY JAIL

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

POLICE SENIOR SUPERINTENDENT CESAR MAN

REGIONAL DIRECTOR RIC DIAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with