MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Pampanga Auxiliary Bishop Virgilio Pablo David na ‘off limits’ o hindi dapat na bigyan ng komunyon ang mga opisyal ng pamahalaan na sakim sa kapangyarihan at nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa Theological at Pastoral Congress ng Diocese of Novaliches sa kanilang pagtatapos sa paggunita ng year of St. Paul the Apostle, sinabi ni David na ang pagtanggap ng komunyon ay isang sagradong gawain ng simbahan. Idinagdag niya na ang mga taong tiwali sa lipunan ay maituturing na anti-Christian na hindi dapat tularan. (Doris Franche)