Thermal scanner nagkakaubusan
MANILA, Philippines - Nagkakaubusan na ng thermal scanner sa mga pamilihan dahil sa patuloy na pagkalat ng influenza AH1N1 virus sa bansa.
Ang naturan ding thermal scanner ang gi nagamit ng mga pamantasan para imonitor ang kanilang mga estud yante lalo na sa pagbubukas ng mga klase kahapon.
Sa Polytechnic University of the Philippines na may pinakamalaking populasyon ng college students sa bansa, sinabi ng kanilang information officer na si Dr. Divina Pasumbal na 62,000 mag-aaral sa kanilang mga campus ang nagsipasok na sa kabila ng pangamba na kumalat rin sa kanilang pamantasan ang naturang virus.
Nais sanang bumili ng PUP ng “thermal scanners” ngunit “out of stock” na ito sa mga suppliers matapos na maunahan sila ng ibang mga pamantasan. Namahagi na lamang dito ng mga health flyers na naglalaman ng impormasyon para makaiwas sa virus habang nakaalerto ang kanilang medical staff at naglaan ng isolation area para sa mga estudyanteng makikitaan ng sintomas.
Sa Centro Escolar University, umabot hanggang paanan ng Don Chino Roces Bridge (dating Mendiola) ang pila ng mga estudyante dahil kinukunan muna ng temperatura ang bawat taong pumapasok sa CEU. Ang mga mag-aaral na may temparatura na lagpas sa 37 degrees Celsius ay pinapadala sa klinika ng unibersidad habang ang mga inuubo at nilalagnat ay pinapauwi.
Iniulat ng Commission on Higher Education na, sa kabila ng mga aberya, maayos ang unang araw ng pasukan sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. Binibigyan naman ng otoridad ng CHED ang mga presidente ng mga pamantasan na magsuspinde ng klase kung may magpopositibo sa kanilang mga mag-aaral sa swine flu. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending