^

Bansa

Utol ni Kumander Parad, 5 pa todas!

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng militar na anim na miyembro ng Abu Sayyaf, kabilang ang umano’y kapatid ni Comman­der Albader Parad ang napatay sa bakbakan sa Parang, Sulu.

Kinilala ni Lt. Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Philippine Navy, ang napatay na si Gadger Parad.

Magkagayunman, ayon kay Arevalo, patuloy ang kanilang beripikasyon kung napatay din si Albader at ang iba pang commander na sina Abu Jumdail, Gafur Jumdail at ang lider na si Isnilon Hapilon.

Ayon pa kay Arevalo na umakyat sa anim na sundalo at pulis ang nasawi habang 17 ang sugatan, kabilang ang dalawang opisyal ng Marines.

Base sa ulat, dakong alas-9:20 kamakalawa ng umaga nang magpang-abot ang pinagsanib na pwersa ng Marines at PNP na nagsasagawa ng rescue operations sa Italyanong si Eugenio Vagni at ang may 100 pwersa ng Abu Sayyaf sa Barnagay Sionogan, sa bayan ng Parang sa Sulu. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABU JUMDAIL

ABU SAYYAF

ALBADER PARAD

AREVALO

BARNAGAY SIONOGAN

EDGARD AREVALO

EUGENIO VAGNI

GADGER PARAD

GAFUR JUMDAIL

ISNILON HAPILON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with