^

Bansa

Rehistro ng mga sasakyan sa LTO bumagal

-

MANILA, Philippines - Malamang na dumami ang bilang ng mga sasak­ yan na hindi agad mairehis­tro sa Land Transportation Office bunsod na rin ng reklamo ng mga Private Emission Test Centers na kulang at halos hindi ma­ibigay ng LTO sa kanila ang inaasahang kopya ng Certificate of Emission Compliance (CEC) na ginagamit sa pag-emission sa mga irerehistrong sasakyan.

Ang CEC ay binibili ng mga emission centers sa LTO. Isa itong certificate na paglalagyan ng emission test certificate ng mga sasakyan na nasuri na ang usok.

Sa ngayon, nakapila na ang mga Petc personnel sa Property Division ng LTO para bumili ng CEC forms.

“Araw araw gusto nila 100 forms lang ang ibenta, dati rati ay pang isang linggo ang binebenta nila, ngayon pang isang araw lang kaya kung maraming irerehistrong sasakyan, hindi mairerehistro kase walang CEC forms,“ ayon sa reklamo ng nakapilang Petc personnel.

Kapag hindi agad nairehistro ang sasakyan o lumam­pas sa takdang araw ng rehistro ay 50 percent ng kabu­uang halaga ng rehis­tro ang penalty para sa late registrants. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ARAW

CERTIFICATE OF EMISSION COMPLIANCE

CRUZ

ISA

KAPAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PETC

PRIVATE EMISSION TEST CENTERS

PROPERTY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with