^

Bansa

Senado napasok ng swine flu?

-

MANILA, Philippines - Nabiktima kahapon ng swine flu scare ang isang 38-taong gulang na em­pleyada ng Senado mata­pos mapaghinalaang may AH1N1 virus dahil nangga­ling ito sa Amerika.

Napilitan ang biktima na kumuha ng sertipikas­yon mula sa San Lazaro Hospital na magpapatunay na wala siyang AH1N1 virus matapos kumalat ang tsis­ mis na nagtataglay siya ng nasabing sakit.

Kasama si Dr. Mariano Blancia, medical director ng Senado, personal na nag­tungo sa media office ng Senado ang biktima na tumangging magpabanggit ng pangalan matapos ma­kakuha ng sertipikasyon mula sa San Lazaro Hospital.

Ayon sa biktima, nag­tungo siya sa clinic ng Senado kahapon ng ha­pon upang magpakuha ng temperature dahil may mga nagsasabing may­roon siyang AH1N1 virus dahil nanggaling siya ng Amerika.

Ayon pa sa biktima, 36.5 ang kanyang temperature at sumakit la­mang ang kan­yang dibdib dahil sa mga nagpapakalat ng tsismis na pinagmulan ng swine flu scare sa Senado.

Sinabi pa ng biktima na hinahanap niya ang nag­pakalat ng tsismis upang maidemanda niya ito.

Nagbiro naman si Blan­cia na posibleng hindi nabigyan ng pasalubong ang nagpakalat na may AH1N1 ang empleyada.

Matatandaan na unang pinaghinalaan na may AH1N1 si Senator Jamby Madrigal kaya hindi natu­loy ang ikalawang hearing ng Committee of the Whole na dumidinig sa C-5 road project. (Malou Escudero)

AMERIKA

AYON

COMMITTEE OF THE WHOLE

DR. MARIANO BLANCIA

KASAMA

MALOU ESCUDERO

SAN LAZARO HOSPITAL

SENADO

SENATOR JAMBY MADRIGAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with