^

Bansa

Hayden kakasuhan ng perjury

-

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan sa ka­ sa­lukuyan ng Senado ang pagsasampa ng perjury laban sa cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho ka­ugnay ng sex video scandal nito.      

Ito ang inihayag kaha­pon ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na pu­mu­nang maraming kasi­nunga­lingan sa mga sinabi ni Kho sa isang pagdinig sa Se­nado ka­makailan. Ihi­na­limbawa ni Revilla ang huling pa­nayam sa ka­ibigan ni Kho na si Eric Chua na nag­bunyag na ipinakita ng kontrobersyal na duktor sa mga “kapatid” nito sa fraternity ang sex video na, rito katalik nito ang iba’t ibang babae tulad ng aktres na si Katrina Halili. 

“Kasi ang dami niyang mga kasinungalingan nga­yong nagsalita si Chua. Pasok siya sa perjury case,” sabi ni Revilla. “Nagsi­nu­ngaling siya sa Senado, alam naman pala ng mga kasama niya, sumumpa pa siya na wa­lang nakakita ng video. Iyong satement ni Eric Chua ay ipinapakita sa kanila ni Hayden ang vi­deo, may report pang ipi­napakita sa mga ka-brod sa fraternity,” dagdag ni Revilla.   

Samantala, hinihingi ng National Bureau of Investigation sa GMA-7 ang kopya ng video footage na naglalaman ng mga interviews sa iba’t ibang per­sonalidad ng da­la­wang talk shows na mag-ees­tablisa ng kalagayan ng relasyon nina Kho at Vicki Belo bago at ma­tapos ang pagputok at pagkalat ng kontrober­siyal na sex videos.  

Kabilang sa nais ma­pa­sakamay ng NBI ang footages ng “Showbiz Central” at “Startalk.” (Malou Es­cudero at Ludy Bermudo)


vuukle comment

DR. HAYDEN KHO

ERIC CHUA

KATRINA HALILI

KHO

LUDY BERMUDO

MALOU ES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with