^

Bansa

59 internet site ginapang ng NBI sa Katrina-Hayden sex video

-

MANILA, Philippines – May 59 website sa in­ternet ang kasalukuyang ginagapang ng National Bureau of Investigation para matukoy kung sino ang nag-upload dito ng sex video ng aktres na si Katri­na Halili at ng cosmetic sur­geon na si Dr. Hayden Kho.

Sinabi ng isang impor­mante sa NBI na nakiki­pag-ugnayan sila sa may-ari o operator ng naturang website para matunton ang unang naglabas ng sex video sa internet.

Kasabay nito, hiniling kahapon ni Katrina sa Department of Justice na isama sa demandang nauna niyang isinampa laban kay Kho ang dati nitong nobyang cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo at kaibigan nitong si Eric Chua at isang Her­bert Rosario dahil sa pa­niniwala ng aktres na may kinalaman ang tatlo sa pagkalat sa internet ng sex video na kinunan nang lingid sa kanyang kaalaman noong magka­relasyon pa sila ni Kho.

Ayon pa sa impor­man­te sa NBI, nagpa­tulong na sila sa US-based website host upang mabuksan ang log system at matu­koy ang respon­sable sa initial na uploading sa pama­ma­gitan ng pagkuha ng IP address ng mga sangkot. (Ludy Bermudo at Gemma Garcia)


vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR. HAYDEN KHO

DR. VICKI BELO

ERIC CHUA

GEMMA GARCIA

KHO

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with