^

Bansa

Debotong Katoliko dedma lang sa virus

-

MANILA, Philippines - Minaliit lamang ng mga debotong Katoliko ang banta ng influenza A H1N1 virus matapos na dagsain pa rin ang mga simbahan kahapon para makinig ng misa lalo na sa mga Simba­ hang sakop ng Archdiocese of Manila.

Sa ilang simbahan sa Maynila, hindi na inanunsyo sa kasagsagan ng misa ang hindi paghahawak ka­may sa pag-awit ng “Ama Namin” at pagtanggap ng komunyon sa pamama­gitan lamang ng kamay.

Gayunman, kahit hindi na ipinaalala, karamihan sa mga nagsisimba ay nag­kusa nang gawin ang mga nasabing hakbang para makaiwas sa A H1N1.

Sa halip na maghawak-hawak ng kamay sa pag-awit ng “Ama Namin”, iti­naas na lamang ng mga nagsisimba ang kanilang mga kamay.

Hndi na rin sila tumang­gap ng komunyon mula sa Pari at sa mga Lay Minister nang direkta sa kanilang mga bibig.

Ipinanawagan kama­ ka­ilan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga deboto ang paghinto sa paghahawak kamay at pagtanggap ng Banal na Ostiya sa pa­mamagitan ng bibig bi­ lang pag-iingat laban sa na­turang sakit. (Doris Franche)

AMA NAMIN

ARCHDIOCESE OF MANILA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

GAYUNMAN

HNDI

IPINANAWAGAN

LAY MINISTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with