^

Bansa

Arraignment ni Mancao inihahanda

-

MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ng prosecution ang pag­hahain ng mosyon sa korte para maitakda ang pag­basa ng demanda o arraignment laban kay dating Police Senior Superintendent Cezar Man­cao kaugnay ng kasong pag­paslang sa public relation man na si Salvador Dacer at sa driver nitong si Em­manuel Corbito.

Sinabi ng clerk ng Manila Regional Trial Court Branch 18 na si Ca­rolina Comon na tatayo pa rin si Mancao sa pag­dinig hang­ga’t itinuturing itong sus­pek.

Umuwi rito sa Pilipinas noong nakaraang linggo si Mancao makaraang mag­tago sa Amerika. Takda niyang isiwalat ang mga nalalaman niya sa kaso at ang mga taong sangkot dito.

Sinabi ni Comon na kailangan munang may ihaing mosyon na humi­hiling na gawing state witness si Mancao bago siya maalis bilang isa sa mga suspek.

Bukod kay Mancao, sangkot din sa krimen ang mga dati niyang ka­sama sa buwag nang Presidential Anti-Organized Crime Task Force na sina Senior Superintendents Glenn Dumlao at Michael Ray Aquino. Sa huli niyang affidavit, isinabit niya sa kaso si Senador Panfilo Lacson na hepe nila sa PAOCTF at sa Philippine National Police nang mapaslang sa Cavite sina Dacer at Corbito noong taong 2000. 

Samantala, may bi­nuong alert team ang National Bureau of Investigation para sa seguridad ng pagdalo ni Mancao sa pagdinig ng Dacer-Cor­bito double murder case sa korte.

Ngayong buwang ito ay itatakda na ang arraignment laban kay Mancao.

Naunang ipinaliwanag ni Justice Secretary Raul Gonzalez na inilagay sa pangangalaga ng NBI si Mancao dahil isa ito sa inaasahang testigo ng pamahalaan laban sa ibang mga sangkot sa krimen. (Doris France at Ludy Bermudo)

COMON

CORBITO

COURT BRANCH

DORIS FRANCE

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

LUDY BERMUDO

MANCAO

MANILA REGIONAL TRIAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with