^

Bansa

Walang bagyo, pero pag-ulan tuloy hanggang next week - PAGASA

-

MANILA, Philippines – Bagama’t walang naitalang bagyo, magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan na mararanasan sa malaking ba­hagi ng Luzon hanggang Lunes dulot ng Habagat.

Ito ang sinabi ni Nataniel Cruz, chief ng Weather station ng PAGASA, kung saan ang hanging habagat na nagtataglay ng makapal na ulap o monsoon cloud ang nagbibigay dahilan ng pag-ulan.

Ayon pa kay Cruz, walang bagyo subalit ang malakas na hanging dulot ng Habagat ang siyang malaking epekto para magkaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Bukod sa Metro Manila, apektado rin ng nasabing pag-ulan ang bahagi ng western Visayas kaya pinag-iingat ng PAGASA ang mga mamamayan at pinaalalahanang manatiling magdala ng pananggalang laban dito.

Sa mga maglalakbay naman sa karagatan ay ibayong pag-iingat ang paalala ng PAGASA dahil ang malakas na hangin ay posibleng magdulot ng malakas na pag-alon sa mga karagatan.

Pinayuhan din ni Cruz ang mga residenteng malapit sa mga lugar na nagkakaroon ng flash flood at landslide na mag-ingat.

Sa kabila nito, ayon sa PAGASA wala namang nakikitang weather disturbance ngayon sa bansa, at ang naunang low pressure area (LPA) ay nasa labas na ng Philippine area of responsibility. (Ricky Tulipat)


AYON

BAGAMA

BUKOD

CRUZ

HABAGAT

LUZON

METRO MANILA

NATANIEL CRUZ

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with