Labor situation sa bansa bumubuti na

MANILA, Philippines - Unti-unti na umanong bumubuti ang labor situation sa bansa kasunod na rin nang pag-re-rehire sa mga manggagawang na­tang­gal sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, wala na ring nagaganap na retrenchments sa nakalipas na dalawang buwan, at 40% sa mga nasibak na empleyado ay naibalik na sa kanilang mga trabaho.

Sa datos, noong kata­pusan ng Abril, umabot na sa 59,510 ang mga nawa­lan ng traba­ho mula noong Oktubre 1, 2008.

Sa nasabing bilang 40,812 na umano ang na­ka­balik sa kanilang tra­baho.

Ayon kay Roque, unti-unti nang nakakabangon ang export sector at mala­king bagay ito kaya naiba­balik sa trabaho ang mga nasibak na empleyado.

Nabebenta na rin aniya ang mga lumang stocks at nakakapag-manufacture na ng mga bago.

Maituturing naman ani­yang isolated case ang pag-layoff sa 293 na mga empleyado ng kumpan­yang Moog, Inc. na naka­base sa Baguio.

Aminado naman si Ro­que na hindi pa niya masa­sabing ligtas na ang bansa sa epekto ng krisis, dahil depende aniya ito sa projections ng iba pang mga bansa. (Mer Layson)

Show comments