Labor situation sa bansa bumubuti na
MANILA, Philippines - Unti-unti na umanong bumubuti ang labor situation sa bansa kasunod na rin nang pag-re-rehire sa mga manggagawang natanggal sa kanilang mga trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, wala na ring nagaganap na retrenchments sa nakalipas na dalawang buwan, at 40% sa mga nasibak na empleyado ay naibalik na sa kanilang mga trabaho.
Sa datos, noong katapusan ng Abril, umabot na sa 59,510 ang mga nawalan ng trabaho mula noong Oktubre 1, 2008.
Sa nasabing bilang 40,812 na umano ang nakabalik sa kanilang trabaho.
Ayon kay Roque, unti-unti nang nakakabangon ang export sector at malaking bagay ito kaya naibabalik sa trabaho ang mga nasibak na empleyado.
Nabebenta na rin aniya ang mga lumang stocks at nakakapag-manufacture na ng mga bago.
Maituturing naman aniyang isolated case ang pag-layoff sa 293 na mga empleyado ng kumpanyang Moog, Inc. na nakabase sa Baguio.
Aminado naman si Roque na hindi pa niya masasabing ligtas na ang bansa sa epekto ng krisis, dahil depende aniya ito sa projections ng iba pang mga bansa. (Mer Layson)
- Latest
- Trending






















