MANILA, Philippines – Makikipagpulong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Russian President Dimitri Medvedev upang palakasin ang relasyon ng RP-Russia gayundin ang pamamaraan upang harapin ang global financial crisis. Nasa Russia si Pangulong Arroyo kung saan ay nagsalita din ito bilang panelists sa St. Petersburg International Economic Forum.
Sa nasabing forum ay tinalakay kung paano maaagapan ang epekto ng global financial crisis lalo sa mga kalahok na bansa tulad ng Pilipinas at Russia.
Nagkataon din na ang pagbisita ni PGMA sa Russia ay tumama sa ika-33 anibersaryo ng relasyon ng RP-Russia kaya isa sa mga pakay ni Mrs. Arroyo ay repasuhin ang nasabing kasunduan sa isyu ng seguridad at kalakalan.
Naunang hinarap ni Pangulong Arroyo ang Filipino community sa Russia kung saan ay ipinagmalaki ng chief executive na nananatiling matatag ang ekonomiya ng RP sa gitna ng global financial crisis. (Rudy Andal)