^

Bansa

DLSU student may AH1N1 virus

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III na isang international exchange student ng De La Salle University sa Taft Ave., Manila ang nagpositibo sa AH1N1 na nagresulta ng  suspension ng klase sa nasa­bing unibersidad sa loob ng 10 araw mula ngayon.

Ang desisyon ay bun­­sod na rin ng Response Level 3 ng Guidelines on A(H1N1) kung saan bini­bigyan ng karapatan ang paaralan o anumang uni­bersidad na magde­ sis­yon kung dapat o hindi dapat suspindihin ang klase dahil sa influenza virus.

Ayon kay Duque, ang 21-anyos na ba­baeng estudyante ay du­mating sa bansa noong Mayo 12.

Nag­simula ang trimester ng school year noong Mayo 25 subalit nagpa­kita ng ilang sin­tomas ang es­tudyante noong Mayo 29 na bi­nigyan naman ng aten­siyon ng mga awto­ridad ng naturang uniber­si­dad.

Agad namang nagpa­tingin ang estudyante noong Mayo 31 kung saan nagpositibo ito sa AH1N1 sa ginawang throat swab ng RITM.

Dahil dito sinabi ni Duque na nagsasagawa na rin sila ng  contact tracing upang malaman kung sinu-sino pa ang nakakontak ng nasabing estudyante.

Pinapurihan naman ni Duque ang pamunuan ng DLSU sa boluntaryong pag­bibigay ng impor­mas­yon sa DOH upang ma­aga­pan ang pagkalat ng sakit.

AYON

DAHIL

DE LA SALLE UNIVERSITY

DUQUE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DU

KINUMPIRMA

PINAPURIHAN

RESPONSE LEVEL

SHY

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with