Katrina negatibo sa droga

MANILA, Philippines – Negatibo sa droga ang aktres na si Katrina Halili matapos ang gina­wang drug testing dito ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy (PDEA) kahapon ng hapon.

Si Halili ay nagtungo sa tanggapan ng PDEA matapos na hindi magpa­salang sa drug test nang unang bumisita ito sa na­sabing tanggapan noong nakaraang Biyernes dahil sa hindi akma sa schedule nito.

Bukod kay Halili, nag­punta rin si Dr. Hayden Kho Jr., sa naturang tang­gapan kung saan nag­pasa-ilalim din sa nasa­bing pagsusuri, ngunit ayon sa PDEA ay hindi kaagad mailalabas ang resulta nito.

Ang dalawa ay suma­ilalim sa drug test sa pa­mamagitan ng kanilang ihi taliwas sa naunang napa-ulat na gagamitin sa mga ito ang makabagong pamamaraan para sa pagsusuri.

Subalit, ayon kay San­tiago, wala din umanong saysay ang naturang pro­seso dahil ang tunay na intensyon ng kagawaran ay malaman mula sa da­lawa ang sinasabing sin­dikato nasa likod ng pag­papakalat ng droga.

Magkagayunman, hindi naman umano nila mapipilit si Kho na maisa­walat ang tungkol sa sin­di­kato kung ayaw magsa­lita kaugnay dito, dahil na rin sa banta sa kanyang buhay. (Ricky Tulipat)


Show comments