Chiz, Noli nagtabla

MANILA, Philippines – Kung ngayon gagana­pin ang 2010 presidential election, magiging mahig­pit ang labanan at luma­la­bas na nagtabla sina Vice President Noli de Castro at Senator Francis “Chiz” Escudero.

Base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, mula sa 1,200 respondents na nagkakaedad ng 18 anyos pataas na kinalap mula Mayo 4-17, 2009, naka­kuha ng 18 porsyento si de Castro habang 17 por­syento kay Escudero.

Nasa top five din sa survey sina dating Pa­ngulong Joseph Estrada, 15 por­ syento; Senator Manuel Villar Jr., 14 por­syento; at Senator Mar Roxas II, 13 porsyento.

Sa survey sa class ABC respondents sa Metro Manila, nanguna si Escu­dero na nakakuha ng 26 por­syento.

Sa Mindanao, nangi­babaw pa rin si Estrada ma­tapos na mag-top sa survey, 27 porsyento sa­man­talang puma­nga­lawa la­mang si De Castro, 21 por­syento.

Sa Visayas, patok na­man si Roxas na nakakuha ng 22 porsyento na sinun­dan nina Villar, 20 por­syento; De Castro, 18 porsyento at Escudero, 15 porsyento. Pumabor na­man ang nasa class E kay De Castro na pumalo sa 25 porsyento na sinundan nina Estrada,19 por­syento; Escudero, 15 por­syento at Villar, 13 por­syento. (Malou Escu­dero, Rudy Andal at Ellen Fernando)


Show comments