^

Bansa

'Unang araw ng pasukan maayos'- DepEd

-

MANILA, Philippines – Iniulat kahapon ng Department of Education na maayos ang unang araw ng pasukan sa halos lahat ng pa­ aralan sa buong bansa.

Ilan lamang sa mga problemang sumalu­bong sa DepEd ang pagba­baha sa mga pa­aralan sa Malabon at Navotas City na dulot ng pag-ulan ka­makalawa ng gabi. Ma­rami sa mga mag-aaral sa mga pa­aralang binaha sa na­turang mga lungsod ang hindi muna pumasok dahil sa baha.

Umaabot naman sa 1,348 reklamo, sum­bong at paghingi ng tulong ang natanggap ng DepEd Action Center buhat sa mga magulang at mga guro. 

Pangu­nahing sum­bong ang paniningil ng school fees ng iba’t ibang pa­aralan ngunit nilinaw ng DepEd na kanila na itong inak­syunan kung saan ka­kastiguhin ang mga opisyal ng paaralan o mga guro na gumagawa pa rin nito.

Nilinaw ni DepEd Secretary Jesli Lapus na ang “anti-tuberculosis, Boys at Girls Scout fees at iba pang bayarin sa grade 5 at 6 ay dapat boluntaryo lamang at hindi rin dapat singilin sa Hunyo ngunit sa pag­pasok na sa buwan ng Hulyo.

Inilunsad naman ng Department of Health ang Task Force H1N1 sa mga paaralan kung saan pa­ngungunahan ng mga doc­tor na nasa ilalim ng DepEd ang paglilibot sa mga paaralan at pagmo­monitor sa mga ulat ng kaso ng pagputok ng influenza virus sa mga paaralan. 

Alam na umano ng mga ito kung saan at kalian sususpendihin ang mga klase sa oras na makapagtala ng kaso ng naturang virus sa mga mag-aaral.

Kahapon, maraming mga paaralan ang nag­pa­tupad ng programa nilang paghuhugas ng kamay bago papasukin ang mga mag-aaral sa kanilang mga silid-ara­lan.

Marami namang mga paaralan sa Basilan ang nagsuspinde ng klase dahil sa patuloy na bak­ba­kan ng mga tropa ng pamahalaan at mga ban­dido malapit sa bi­sinidad ng mga es­kuwelahan. Kabilang sa mga lugar na walang klase ang mga bayan ng Sumajobong, Tuburan at Tipo-Tipo. (Danilo Garcia)


vuukle comment

ACTION CENTER

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

GIRLS SCOUT

NAVOTAS CITY

SECRETARY JESLI LAPUS

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with