^

Bansa

Taun-taon, P100B nasasayang dahil sa trapiko

-

MANILA, Philippines – Umaabot umano sa P100 bilyon ang nawawala sa ekonomiya dahil sa matinding trapiko taun-taon, ayon sa isinagawang pag-aaral ng UP Center for Transportation Studies.

Dahil dito, iginiit ni Senator Francis “Chiz” Escu­dero sa Metro Manila Development Authority na pag­handaan ang matinding trapiko ngayong nalalapit na naman ang pasukan.

Naniniwala si Escudero na may sapat namang pondo ang MMDA at may mga kagamitan na rin katulad ng video tracking devices na magagamit para mapagaan ang trapiko lalo na sa Metro Manila.

May kabuuang 18.6 milyong estudyante sa mga primary at secondary educational institutions sa buong bansa ang magbabalik eskuwelahan bukas kung saan 700,000 sa mga ito ay college students mula sa Metro Manila.

Samantala, sa 5.53 milyong rehistradong sasak­yan sa bansa, 30 porsiyento nito ay nasa Metro Manila.

Ayon kay Escudero, kung pagbabatayan ang datos ng Citizen’s Traffic Watch, isang non-government organization, mahigit sa P15 billion umano ang nawawala dahil sa trapiko taun-taon, sa Metro Manila.

Mahalaga aniyang masolusyunan ang matinding problema sa trapiko dahil nakakaapekto na rin ito sa ekonomiya. (Malou Escudero)


AYON

CHIZ

DAHIL

ESCU

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SENATOR FRANCIS

TRAFFIC WATCH

TRANSPORTATION STUDIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with