Pag-amin ni Hayden sa drugs, 'di isyu sa PRC

MANILA, Philippines – Sa kabila ng gina­wang pag-amin ni Dr. Hayden Kho sa pagdinig ng Senado noong Huwe­bes na guma­ gamit siya ng iligal na droga, hindi na­­man umano ito isyu sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ayon kay Atty. Phar­son Manalo, Chief ng Legal ng PRC, kailangan pa ring may pormal na rek­ lamo at ebi­ densiya laban kay Kho bago ito pag­tuunan ng pansin ng PRC bagama’t nagkaroon ng pag-amin.

Gayunman, napadal­han na nila ng summon si Kho noong Mayo 22 at bi­ nig­yan ng 15 araw para sa­gutin ang reklamo sa kanya ni Halili.

Ang Board of Medicine na pinamumunuan ni Dr. Restituto de Ocampo, ang magsasagawa ng imbesti­gasyon at magde­desisyon sa kasong isi­nampa ni Halili.

Tatayo lamang bilang appelate body ang PRC sa magkabilang panig kung kapwa sa tingin nila ay may pagkakamali sa isina­ ga­wang imbestigasyon.

Bagama’t tiniyak ni Manalo na kapag nagka­roon ng paglabag sa im­moralidad, napatunayang unethical at unprofessional ang ginawa kay Halili, tiyak umanong matatanggalan si Kho ng kanyang lisensiya sa pagka-doctor.

Ito ay kung mapapatu­nayan na hindi alam ni Halili ang ginawang pag-video at kapag si Kho mismo ang nagpakalat nito.

Sinabi ni Manalo, ma­aring ang desisyon ng BOM ang magiging gabay ng Philippine Medical Association (PAMA) sa kanilang desisyon kung tatanggalin si Kho sa asosasyon. (Doris Franche)

Show comments