^

Bansa

Computer sa sex video pag-aari ni Belo

-

MANILA, Philippines - Pag-aari ng cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo ang computer hard drive na naunang nagla­ man ng mga sex video ng kasintahan niyang si Dr. Hayden Kho.

Ito ang inihayag kaha­pon ng abogado ni Belo sa mga mamamahayag sa isang forum sa Greenhills, San Juan kasabay ng pag­sasabing nagmula sa con­dominum ng kanyang kli­yente ang hard drive na ipinagkatiwala ng kanyang kliyente sa kaibigan nila ni Kho na si Erick Chua.

Si Chua ang inaakusa­hang nag-upload umano sa internet ng sex video nina Hayden at ng aktres na si Katrina Halili.

Nagkaroon ng usapan sina Belo at Chua na bu­burahin lang ang mga sex video sa naturang hard drive at walang ibang ma­kakaalam.

May 40 sex video ang laman ng hard drive pero, ayon kay Tamano, apat na babae lang ang nakatalik ni Kho sa iba’t ibang pagka­kataon.

Maging si Belo rin anya ay may sex video na ka­sama si Kho pero katuwaan lang ito ng magkasintahan at para lang sa sarili nila at plano nilang burahin ito kinalaunan.

Sinabi ni Tamano na sumobra ang tiwala ni Belo kay Chua dahil kaibigan nila ito ni Kho. “At dahil pinag­kakatiwalaan ka, kung talagang disente kang tao, hindi mo gagawin iyon, buburahin mo, hindi dapat kopyahin,” sabi ni Tamano.

Nababahala rin si Belo na kakalat din sa internet at sa mga pirated DVD ang sex video nila ni Kho. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BELO

CHUA

DANILO GARCIA

DR. HAYDEN KHO

ERICK CHUA

KATRINA HALILI

KHO

SAN JUAN

SHY

TAMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with