$2.5 milyon reward ng US vs 3 Sayyaf leaders

MANILA, Philippines - Handa ang Estados Unidos na magbigay ng $2.5M para sa agarang pag-aresto sa tatlong lider ng Abu Sayyaf na namumugad sa Western at Central Mindanao.

Sinabi ni Armed For­ces of the Philippines–Public Information Office Chief Lt.Col. Romeo Braw­ner Jr., tiyak na maganda ang magiging resulta ng nasa­ bing kampanya ng US dahil mas mapapadali ang pagdakip sa mga naturang terroristang si Commander Radulan Sahiron, may patong na $1M, bomb expert na si Abdul Basit Usman, $1M habang si Khair Mundos ay may patong sa ulo na $500,000, at ito rin ang umano’y key leader at financier ng ASG.

Inihayag ni Ian Kelly, spokesman ng Bureau of Public Affairs ng US State Department, na mara­ming inosenteng babae at ka­bataan ang nadada­may sa karahasan ng ASG kung saan si Sahi­ron umano ang responsable sa May 27, 2001 Dos Palmas kidnapping kung saan dinu­kot ng mga ito sina Gracia at Martin Burnham at Guillermo Sobero na pinu­gutan ng ulo ng mga ito, habang si Basit ay may ko­neksiyon umano sa Je­maah Isla­miyah at nagta­tago nga­yon sa Central Min­danao. Si Mundos ay una ng na­aresto noong May 2004 ngunit nakata­kas sa isang provincial jail noong Peb­rero 2007 at iniuugnay sa money laundering char­ges.

Aniya, kinakailangan na madakip agad ang mga ito, partikular na si Sahiron.Ang gantimpalang $1 milyon sa ulo ni Sahiron ang pinakamataas nang inilaan ng US para sa sinu­mang tipster sa ikadarakip ng ASG leader. (Joy Cantos/Ellen Fernando)

Show comments