^

Bansa

Katrina at Hayden maghaharap sa Senado

-

MANILA, Philippines – Inaasahang magka­ka­­harap sa Senado sa Hu­webes, Mayo 28, ang kontrobersiyal na cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho at aktres na si Katrina Halili ka­ ugnay sa gagawing im­bestigas­yon ng Senado sa sex scandal ng da­lawa.

Bandang ala-1:30 ng hapon inaasahang mag­haharap sina Halili at Kho na ipinatawag ng Senate Committee on Youth, Women, and Family Relations ni Senator Jamby Madrigal at Public Information and Mass Media committee ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Kasama rin sa inim­bitahan sa pagdinig ng Senado ang nobya ni Kho na si Dr. Vicki Belo at ang isa sa nakatalik niya sa sex video ang model na si Maricar Reyes.

Ipinatawag din si Eric Chua na naakusahang siyang nagpakalat ng sex video.

Ang imbestigasyon ng Senado ay base na rin sa privilege speech ni sena­dor Ramon “Bong’ Revilla Jr. na bumatikos sa sex video ni Hayden kasama ni Halili at ng iba pang mga babae na nagkalat sa internet.

Ang imbestigasyon kina Kho at Halili ay ipi­nadala ng Senado sa kani-kanilang abogado.

Inireklamo ni Halili na kinunan ni Kho ng video ang kanilang pagtatalik nang lingid sa kanyang kaala­man at ang natu­rang sex video ay kumalat sa in­ternet. (Malou Escudero)


vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

DR. HAYDEN KHO

DR. VICKI BELO

ERIC CHUA

FAMILY RELATIONS

HALILI

KATRINA HALILI

KHO

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with