^

Bansa

Iligal na droga ni Hayden galing daw kay Katrina

-

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ni Atty. Lorna Kapunan na ang aktres na si Katrina Halili umano ang nagbigay ng iligal na droga sa kani­yang kliyenteng si Dr. Hayden Kho at ang nag­dala umano ay ang isang nagnganga­lang “Omar”.

Sa naganap na Bali­taan sa Tinapayan sa Da­pitan, sinabi ni Kapunan na han­da na umanong hara­pin ni Kho maging ang imbesti­gas­yon ng Senado kaug­nay sa kon­trobersiyal na sex video sa aktres at sa iba pa uma­nong nag­karoon ng video ang doktor sa kani­lang sex encounter.

Tiniyak din ni Kapunan na apat lamang na babae ang nai-video ni Kho na pawang karelasyon kabi­lang ang aktres na si Halili, isang Brazilian model, starlet na si Maricar Reyes at Dra. Vicki Belo.

May dalawang taon na umano ang nakalipas nang gawin ang sex video at nag­kataon lamang umano na may kilalang perso­nalidad na sangkot kaya mainit ang isyu at sa pa­nahong nag­babago na ang kliyente at kasalu­kuyang sumasa­ilalim sa medical attention at neuro-psycho at psychiatrist counseling.

Ibinulgar din ni Kapu­nan na isang “expert computer technician” ang nasa likod ng pagkalat ng sex video ni Katrina.

Sinabi ni Kapunan na umamin sa kanya si Dr. Eric Johnston Chua, ka­ibi­gan matalik ni Kho na may com­puter business, na inu­tos niya ang pag-download ng sex video at sinabihan ang technician na ilagay ito sa personal na hard discs na hindi maaring mabuk­san.

Dahil dito, posibleng ang naturang technician umano, ang nagbenta ng Hayden-Katrina sex video ng hindi nalalaman ni Chua. Nabatid din na may una na umanong nag-alok na bilhin kay Chua ang naturang sex video ng P.5 milyon pero tinanggihan nito ang alok.

Sen. Revilla sabit sa ‘exploitation’

Naniniwala din si Kapu­nan na si Senator Bong Re­villa ay dapat na ma­nagot sa exploitation dahil sa pagpapainit nito sa isyu at ginagamit sa grandstanding para sa personal na interes sa pulitika.

Hindi umano niya na­gus­tuhan ang ginawang pagkaladlakad ni Revilla sa media kay Halili kung saan sinamahan pa niya ito sa NBI at paulit-ulit na pinag-usapan sa harap ng publiko ang nabanggit na isyu.

Dapat umanong mas big­yan ng pansin ang mas ma­bibigat na usapin at krisis kaysa sa sex video na mis­tulang napupunta na uma­no sa “in aid of election” sa halip na “in aid of legislation.”

Droga, pag-video itinanggi ni Katrina

Itinanggi naman ni Halili na pinayagan niya si Kho na i-videotape ang kanilang pagtatalik at inalok niya ito ng droga.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Raymond Palad, sina­bi nito na mismong ang video ang makapagsasabi kung may consent niya ang pagbi-video ni Kho ng ka­nilang pagtatalik.

Una rito, iginiit ng kam­po ni Kho na alam ni Katrina na may kamerang nakasa­lang habang katalik ang celebrity doctor.

Mismong si Halili pa uma­­ no ang nag-ayos ng video bago sila nagtalik sa Holiday Inn sa Ortigas, Pasig City.

Ngunit iginiit ni Palad na walang babaeng nasa tamang pag-iisip ang papayag na i-videotape ang kanilang sexual activities.

Ayon kay Kapunan, da­ pat suriin ng mga eks­perto ang video para ma­kita ang mga indikasyong alam ng ak­tres ang video sa kanilang harapan.

Samantala, hindi na­man matiyak ni Atty. Kapu­nan kung alam din nina Maricar Reyes at ng Brazilian model kaugnay sa ca­merang isinalang ng doktor bago sila magtalik. (Doris Franche/Ludy Bermudo)

CHUA

DORIS FRANCHE

HALILI

KAPU

KAPUNAN

KHO

MARICAR REYES

SEX

SHY

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with