'Tindahan ni Aling Puring' dinagsa

MANILA, Philippines – Dinagsa kahapon ng daan-daang maliliit na negosyante, mamimili at suppliers ang pagsisimula ng ika-apat na taong “Tindahan ni Aling Puring” sari-sari store convention na tatagal ng tatlong araw sa World Trade Center Pasay City.

Naging panauhin sa pagbubukas ng convention sina dating Pangulong Joseph Estrada at ang founder ng National Bookstore na si Mrs. Socorro Ramos na siyang nagbigay ng mahahalagang payo sa mga maliliit na negosyante upang umunlad ang kanilang negosyo.

Naging tampok sa naturang kalupunan ang kahalagahan ng puspusang pagsisikap ng mga maliliit na negosyante na may sari-sari store na sumasalamin naman sa kasalukuyang tema na “Sari-Sari Store Power-Kayang Kaya Basta Sama-Sama”.

Naging abala naman ang mga kawani ng may 350 booths na pawang mga suppliers at kasosyo sa negosyo ng Puregold sa ginawang pamamahagi at pagbebenta ng kanilang produkto na may malaking diskuwento sa mga miyembro ng Aling Puring sari sari store.

Ayon kay Edison Angala, store manager ng Puregold Sucat, hindi lamang nakatuon sa pagtulong sa mga negos­yante ang ika-apat na taong convention kundi naglunsad din sila ng isang uri ng job fair para sa mga nagnanais magkaroon ng hanapbuhay bilang mga kawani sa nalalapit pang pagbubukas ng 30 pang outlets.


Show comments