Philpost employees nag-file ng graft complaint vs. legal counsel
MANILA, Philippines – Sinampahan ng mga concerned employees ng Philippine Postal Corporation ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang legal counsel nito dahil sa pagtatrabaho umano sa ibang kompanya.
Si Atty. Sim Oresca Mata ay inireklamo makaraang umaktong legal consultant ng National Printing Office noong panahon ni dating Director Philip Evardone at Enrique Agana sa kabila ng pagiging permanenteng abogado niya sa Philpost.
Binatikos din si Mata sa pagpapakita umano nito ng kanyang bagong Toyota Fortuner at relo na Rolex kung saan ito ay hindi angkop sa taunang sweldo niya sa Philpost na nagkakahalaga ng P338.616 lamang.
Bunsod nito’y, sinabi ng mga empleyado sa anim na pahinang reklamo ng mga ito sa Ombudsman na agad magsagawa ng imbestigasyon laban kay Mata dahil nilalabag nito ang R.A. 3019, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A. 6731), ang batas na lumikha sa Philpost (R.A. 1379), at sa Civil Service Law.
- Latest
- Trending