^

Bansa

Importasyon ng baboy pinatitigil

-

MANILA, Philippines – Umapela kahapon kay Pangulong Arroyo at Agriculture Secretary Arthur Yap ang 46 na organisasyon sa pamumuno ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines at ABONO partylist para mapahinto ang importasyon ng karneng baboy at iba pang galing sa mga bansang infected ng A/H1N1 virus.

Ayon kay Agap Rep. Nicanor Briones, malaki ang posibilidad na makapuslit ang karneng may sakit na A/H1N1 virus bukod pa sa patuloy na pagkalugi ng mga hog raisers sa bansa.

Anila, ngayon pa lang ay dapat ng ipatigil ang importasyon ng pork at live animals para sa kinabukasan ng mga Pinoy tulad ng mahigpit na pagbabantay ngayon ng bansang Switzerland na nagpapatupad na ng ban sa pag-aangkat ng karne.

Kung magpapatuloy aniya ang importasyong ito ay tiyak na malulugi ng P10 bilyon ang mga hog raisers sa bansa at posibleng maglunsad ng malaking kilos protesta kung hindi pakikinggan ang naturang apela. (Butch Quejada)


AGAP REP

AGRICULTURAL SECTOR ALLIANCE OF THE PHILIPPINES

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ANILA

AYON

BUTCH QUEJADA

NICANOR BRIONES

PANGULONG ARROYO

PINOY

UMAPELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with