6 minero patay sa landslide

MANILA, Philippines – Anim na minero ang nasawi habang 15 pa ang nawawala sa isang landslide sa isang minahan ng ginto sa Barangay Napnapan, Pantukan, Compostela Valley nitong Lunes ng hapon.

Sinabi ni Compostela Valley Provincial Police Office Director Chief Supt. Ronald de la Rosa na anim na minero ang nasawi na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Labinglima naman na kasamahan ng mga ito ang patuloy na pinaghahanap matapos na matabunan ng lupa.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang gumuho sa loob ng minahan at natabunan ang mga minero dito.

Ang landslide ay bunga ng paglambot ng lupa sanhi ng mga pag-ulan sa lugar nitong nakalipas na mga araw. (Joy Cantos)


Show comments