Pasahe sa jeep hinging itaas

MANILA, Philippines – Isinampa kahapon ng Alliance of Concerned Transport Organization at ng iba pang grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang petisyong humi­hiling na itaas ang pasahe sa mga pampasaherong jeepney at bus.

Nais ng ACTO na ga­wing P7.50 ang minimum pasahe sa mga pam­pa­saherong jeep mula sa kasalukuyang P7 minimum fare

Ikinatwiran ng ACTO na kailangan nang tumaas ang pasahe dahil tumaas na nang P5.00 ang ha­laga ng diesel sa kasalu­kuyan mula sa dating P21.00 kada litro. Sa ngayon umaabot na ito ng P 26 per liter. (Angie dela Cruz)


Show comments