^

Bansa

Solons umapela kay Rosales sa Failon case

-

MANILA, Philippines - Umapela si Senator Francisco “Kiko” Pangi­linan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales na makiisa sa isinasagawang imbesti­gasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kontro­bersyal na pagkamatay ng asawa ng ABS-CBN news anchor na si Ted Failon.

Si Rosales umano ang sinisisi sa mabagal na pagpapalabas ng re­sulta ng pinal na imbes­tigasyon ng NBI kaugnay sa pagkamatay ni Trini­dad Etong.

Ayon kay Pangilinan, kailangang magbigay na ng pahayag si Rosales upang matapos na ang usapin at kung walang dapat itago ay dapat magsalita na ito.

Marami umano ang naniniwala na si Rosales ang nag-utos sa mga ta­uhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) upang arestuhin si Failon, hipag na si Pamela Arteche at mga kasambahay nito.

Kaugnay nito, sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Liza Maza, kapag patuloy na hindi nakipagkaisa si Rosales sa NBI, siya nga ang dahilan ng hindi ka­agad pagpapalabas ng resulta ng imbestigasyon ng NBI.

Aniya, kung may deli­cadeza si Rosales, dapat ay siya mismo ang mag­tungo sa NBI at mag­salita. (Ricky Tulipat)

CHIEF SUPT

GABRIELA PARTYLIST REP

LIZA MAZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PAMELA ARTECHE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RICKY TULIPAT

SENATOR FRANCISCO

SHY

SI ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with