^

Bansa

Low pressure sa Mindanao

-

MANILA, Philippines - Isang shallow low pressure area ang namataan ng PAGASA sa timog-silangan ng Southern Mindanao na posible umanong magdulot ng pag-ulan. 

Ayon kay Adzar Aurello, weather observer ng ahensya, batay sa satellite and surface data, ang naturang SLPA ay nakapaloob umano sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito ang bahagi ng Bicol region, Visayas at Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na ka­ langitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas din ng bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na kala­ ngitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap ang pa­ pawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pag­kid­­lat lalo na sa dakong hapon o gabi. (Ricky Tulipat)

ADZAR AURELLO

ANG KALAKHANG MAYNILA

AYON

BICOL

DAHIL

HABANG

MINDANAO

RICKY TULIPAT

SOUTHERN MINDANAO

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with