MANILA, Philippines – Higit pang pinaigting ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang paghahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos.
Ito ay makaraang mapaulat na isang mataas na opisyal ang umano’y nakikipag-usap ngayon sa PCGG para maudlot ang pagbawi ng pamahalaan sa mga ari-arian ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Samantala, sinabi naman ni PCGG prosecuting attorney Catalino Generillo na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pangangalap ng mga dagdag na ebidensiya at mga testigo para sa kanilang isinusulong na kaso laban sa mga kumpanya ni Lucio Tan at pamilya nito.
Magugunitang humarap din noong 2007 sa Anti Graft Court si Bongbong Marcos na tumayo naman bilang hostile witness ng PCGG at pinatibay na ang mga naturang kumpanya ay sa kanyang ama at ito’y ipinagkatiwala lamang kay Tan. (Angie dela Cruz)